Home NATIONWIDE Pilipinas humiling sa Oman, HIV test requirement sa biyaherong Pinoy alisin na

Pilipinas humiling sa Oman, HIV test requirement sa biyaherong Pinoy alisin na

88
0

MANILA, Philippines – HINILING ng Pilipinas sa gobyerno ng Oman na alisin ang requirement ng negative HIV medical certificate para sa lahat ng mga byaherong Filipino.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gumawa ito ng “strong representations” sa Oman Embassy sa Maynila para sa pag-alis ng test requirement.

Para sa embahada, ang kahilingan ng Pilipinas ay kasalukuyang pinag-aaralan ng Oman government, at nakatakdang talakayin ang nasabing usapin sa isang pulong sa susunod na linggo.

“The DFA expects a positive outcome given the good and strong relationship between the Philippines and Oman,” ayon sa departamento.

Ayon naman sa Omani Embassy sa Maynila, ang HIV certificate ay ina-apply lamang para sa mga turistang naga-avail ng visa-free entry sa Oman, at hindi sa mga nabigyan ng working visa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here