Home NATIONWIDE Mga kabataan sa Cameroon hinimok ni Pope Leo sa paglaban sa korapsyon

Mga kabataan sa Cameroon hinimok ni Pope Leo sa paglaban sa korapsyon

83
0

CAMEROON – Hinimok ni Pope Leo XIV ang kabataan ng Cameroon nitong Biyernes, Abril 17 na labanan ang tukso ng korapsyon at magtrabaho para sa kabutihan ng lahat habang nagdaos siya ng Misa sa harap ng libu-libong tao, isa sa pinakamalaking pagtitipon sa kanyang 11-araw na pagbisita sa apat na bansa sa Africa.

Bumisita si Leo sa lungsod ng Douala, ang sentro ng ekonomiya at pananalapi ng Cameroon, sa araw na nakatuon sa paghimok sa kabataan ng bansa.

Nakipagtagpo rin si Pope Leo sa mga mag-aaral, propesor, at administrador sa Catholic University of Central Africa.

Madalas ginagamit ng mga Papa ang ganitong mga okasyon, lalo na sa mga developing countries, upang himukin ang kabataan na magpursige sa kabila ng kahirapan, korapsyon, at iba pang hamon.

Sa kanyang homily, na isinagawa sa French at English, binanggit ni Leo ang kwento sa Bibliya tungkol sa pagpaparami ni Hesus ng mga tinapay upang himukin ang kabataan na “paramihin ang inyong mga talento sa pamamagitan ng pananampalataya, pagpupursige, at pagkakaibigan.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here