Home NATIONWIDE Kauna-unahang firetruck sa Itbayat, Batanes ipinadala ng BFP

Kauna-unahang firetruck sa Itbayat, Batanes ipinadala ng BFP

94
0

MANILA, Philippines – Dumating na sa Itbayat, Batanes ang bagong firetruck na magpapalakas sa emergency response sa pinakadulo at most isolated town ng bansa.

Ang unit ay ibinaba sa Valanga Port noong Huwebes, ang entry point sa Itbayat at marka ng kauna-unahang sariling firetruck na tinanggap ng bayan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Magpapabilis sa disaster response at magpapabuti ng fire safety services sa munisipalidad ang deployment nito.

Ang firetruck ay mula sa BFP national headquarters at bahagi ng modernization at upgrading program.

Sinabi ni Provincial Fire Marshal Fire Superintendent Franklin Tabingo na ang bagong kagamitan ay isang major upgrade para sa lokal na emergency services.

“‘Yung dumating na firetruck kauna-unahan sa bayan na ‘yan at malaking tulong ‘yan para sa pagbibigay serbisyo ng Bureau of Fire Protection-Batanes para ma-ipaabot pa sa pinaka-dulong bayan ng Pilipinas ang serbisyo ng Bureau of Fire Protection. Dati kasi Municipal Fire Prevention Office lang ‘yung sa bayan ng Itbayat. Ngayon ay i-activate na natin as Municipal Fire Station,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here