Home METRO Lalaki patay sa sariling baril na nililinis

Lalaki patay sa sariling baril na nililinis

123
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang aksidenteng nabaril ang sarili sa hawak niyang baril habang nililinis sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Cabangaan, Silang, Cavite, Biyernes ng umaga, Abril 17.

Ayon sa nakalap na report, kinilala ang biktima na si alyas Aldrin, residente sa nasabing bayan.

Base sa kasamahan ng biktima, bandang alas-9:00 ng umaga nang nakita si alyas Aldrin na nililinis nito ang kanyang rifle.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig nalang sila ng putok ng baril at nang puntahan ang biktima ay nakitang duguan na nahandusay na ang biktima.

Batay naman sa mga kamag-anak ng biktima, hindi na ito pina-awtopsiya dahil naniniwala silang walang foul play sa pagkamatay nito habang ang baril ay dadalhin sa PFU para sa ballistic examination. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here