Home METRO PNP: 2 arestado sa “paihi” sa Agusan del Norte

PNP: 2 arestado sa “paihi” sa Agusan del Norte

147
0

AGUSAN DEL NORTE, Philippines – Pinaigting ng mga awtoridad ang operasyon laban sa ilegal na gawain sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina, partikular ang tinatawag na “paihi” o ilegal na paglipat ng fuel mula sa tanker truck papunta sa mga drum at maliliit na lalagyan para ibenta.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dalawang tao ang naaresto at nasa ₱6.6 milyon na halaga ng produktong petrolyo ang nasamsam sa Barangay Santa Ana, Tubay, Agusan del Norte noong Biyernes.

Ayon kay CIDG director Robert AA Morico II, ang mga suspek ay isang truck driver at kanyang helper na nahuli habang inililipat ang gasolina mula sa tanker papunta sa mga container.

Lumabas sa imbestigasyon na ang tanker ay galing sa Cagayan de Oro City at huminto sa gilid ng kalsada sa Tubay kung saan isinagawa ang ilegal na paglipat ng fuel.

Giit ng CIDG, ang ganitong gawain ay labag sa Batas Pambansa Blg. 33 at Presidential Decree 1865, na nagbabawal sa ilegal na bentahan at distribusyon ng produktong petrolyo at tumutugon sa economic sabotage at energy conservation.

Ayon sa PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., iniutos ang mas pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na aktibidad sa gasolina tulad ng hoarding, price manipulation, at fuel pilferage, lalo na sa gitna ng epekto ng tensyon sa Middle East sa presyo ng langis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here