Home NATIONWIDE Pagpapalabas ng P17.27B para sa pagpapatayo ng 4,960 silid-aralan sa buong bansa,...

Pagpapalabas ng P17.27B para sa pagpapatayo ng 4,960 silid-aralan sa buong bansa, iniutos ni PBBM

126
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P17.27 billion para pabilisin ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.

Layon nito na tugunan ang kakapusan ng mga silid-aralan at iangat ang kalidad ng pangunahing edukasyon.

Bilang tugon sa naging direktiba ngn Pangulo, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolando Toledo noong Abril 13, ang pagpapalabas ng P17.27 billion sa Department of Education (DepEd).

Ang nasabing halaga, inilabas sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (Saro), popondohan ang konstruksyon ng 4,960 silid-aralan sa buong bansa, kabilang na rito ang pagkakaloob ng mahahalagang school furniture at fixtures—magdudulot ng agarang lunas sa ‘overcrowded schools’ at mga komunidad na kulang sa serbisyo.

Ang P17.27 billion ay huhugutin mula sa P85.40 billion Basic Education Facilities (BEF) Fund sa ilalim ng FY 2026 General Appropriations Act (GAA), ang pagpapalabas ay isang mapagpasyang hakbang tungo sa pagpinid ng classroom gap sa bansa at tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mayroong access sa isang ligtas, kaaya-aya at marangal na kapaligiran sa pag-aaral.

Binigyang diin naman ni Toledo na ang inisyatiba ay hindi lamang ukol sa imprastraktura kundi ang i-secure ang hinaharap ng bansa sa pamamagitan ng edukasyon.

“Sa utos ng Pangulo, pinapabilis natin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan dahil hindi dapat naghihintay ang pangarap ng kabataan. Hindi dapat nasisikip, napapabayaan, o napag-iiwanan ang kanilang pag-aaral,” ayon kay Toledo.

“Sa bawat silid-aralan na itinatayo natin, may batang nabibigyan ng mas maayos na kinabukasan. Hindi lang ito pader at bubong—ito ay pag-asa, pagkakataon, at unang hakbang tungo sa mas magandang buhay,” aniya pa rin.

Pinatibay din ng inisyatiba ang Nationwide Classroom Building Program ng Pangulo, kung saan in-institutionalize ang landmark partnership sa pagitan ng DepEd at local government units (LGUs) para pabilisin ang konstruksyon, rehabilitasyon, at pagkumpuni ng mga silid-aralan sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-nation approach, layon ng administrasyon na tiyakin na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan dahil sa layo, kahirapan o kakapusan ng silid-aralan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here