Home TOP STORIES Iranian cargo ship sa Gulf of Oman, pinatamaan ng US destroyer

Iranian cargo ship sa Gulf of Oman, pinatamaan ng US destroyer

108
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump na isang US destroyer ang nagpaputok at sumamsam sa isang Iranian-flagged cargo ship sa Gulf of Oman matapos umano itong tangkang umiwas sa US naval blockade.

Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na ang barkong Iranian na Touska ay hindi sumunod sa utos na huminto, kaya pinatigil ito ng guided missile destroyer USS Spruance.

Ayon sa kanya, “stopped them right in their tracks by blowing a hole in the engine room.”

Dagdag pa ni Trump, “Right now, US Marines have custody of the vessel, and are seeing what’s on board!”

Ang insidente ay naganap habang mataas ang tensyon sa Strait of Hormuz, isang mahalagang rutang dinadaanan ng langis at liquefied natural gas, na halos sarado na mula nang magsimula ang US-Israeli war laban sa Iran.

Ayon pa sa ulat, ang barkong Touska ay nasa ilalim na ng US sanctions dahil sa umano’y dating ilegal na aktibidad at nakalista sa US Treasury Office of Foreign Assets Control.

Batay sa tracking data, bago ang insidente ay nasa layong humigit-kumulang 45 kilometro mula sa baybayin ng Iran ang barko, malapit sa Chabahar, at galing umano sa Malaysia.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa Iran hinggil sa naturang ulat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here