Home NATIONWIDE Thai PM tinawagan at binati ni PBBM

Thai PM tinawagan at binati ni PBBM

75
0

MANILA, Philippines – BINATI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul at nagpahayag ng kumpiyansa sa mas matatag na pagtutulungan ng Pilipinas at Thailand partikular na sa sektor ng enerhiya.

Kinausap ni Pangulong Marcos si Anutin sa isang tawag sa telepono para ipaabot ang kanyang pagbati sa kamakailan lamang na muling pagkakahalal sa huli bilang prime minister.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Marcos na ang muling pagkakahalal kay Anutin ay sumasalamin sa tiwala ng mga Thai people sa kanyang liderato at pananaw.

“I am delighted to speak with PM Anutin today to personally convey my congratulations on his appointment as Prime Minister of the Kingdom of Thailand,” ayon sa Pangulo.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Pangulo na makatrabaho ang Royal Thai Government para palawakin ang praktikal na kooperasyon sa mga prayoridad na lugar.

“I look forward to working closely with the Royal Thai Government to expand practical cooperation across priority areas including energy and food security, combating transnational crimes in the ASEAN region,” aniya pa rin.

Si Pangulong Marcos, bilang ASEAN chairperson ngayong taon, muling pinagtibay ang kanyang commitment na tiyakin na ang regional bloc ay nananatiling “a force for peace, growth and opportunity for our peoples.”

Si Anutin ay nahalal ng parlamento para magsilbi bilang prime minister noong September 2025, kasunod ng pagpapaalis constitutional court kay Paetongtarn Shinawatra para sa isang ethical breach.

Muli namang nahalal si Anutin ng House of Representatives noong March 19, 2026, matapos na ang kanyang konserbatibong Bhumjaithai Party lumitaw bilang ‘largest faction’ sa February general elections. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here