Home NATIONWIDE Marcoleta: Sabwatan ng gobyerno, oil companies sa pagsipa ng presyo ng langis...

Marcoleta: Sabwatan ng gobyerno, oil companies sa pagsipa ng presyo ng langis posible

126
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Rodante Marcoleta na mayroong nangyaring pakikisabwatan sa biglaang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas kung hindi ito maipaliwanag ng Department of Energy (DOE).

Ito ang pahayag ng senador sa Kapihan sa Manila Bay, nang tanungin kung may sabwatan ang DOE, mga oil companies at national government sa nangyayaring krisis ngayon sa bansa.

Giit ng senador, hindi tayo dapat masurpresa at hindi ito dapat nangyari na pagkatapos ng dalawang linggo ay biglaang sumipa ng 120% ang presyo kung saan ngayon lamang aniya ito nangyari sa bansa.

“Sa tanong kung may pakikipagsabawatan, para ngang meron po eh,” ayon kay Marcoleta.

Aniya, sa kanyang pagtatanong ay walang gustong magsalita kung ano ang nangyari at wala rin nangatwiran o kumontra sa inilatag niyang datos.

Dagdag pa, kung wala naman talagang krisis ay maaaring maibaba pa ang presyo ng produktong petrolyo hanggat hindi nila naipapangatwiranan na mali talaga ang kanyang independent data na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee.

Samantala, posible aniyang may pananagutan ang DOE dahil hindi nila maipaliwanag ang biglaang paggalaw ng presyo pati ang kanilang imbentaryo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here