Home NATIONWIDE Tsuper binoga sa harapan ng kainan sa Cavite

Tsuper binoga sa harapan ng kainan sa Cavite

125
0

MANILA, Philippines – Isang jeepney driver ang namatay makaraang barilin ng motorcycle rider sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan habang nakaparada sa harapan ng isang kainan sa Bacoor City, Cavite nitong Martes ng gabi, Abril 21.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Ramil, isang jeepney driver habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na sakay ng kanyang motosiklo.

Sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Jolibee sa Brgy Molino III, Bacoor City, Cavite kung saan nakaupo ang biktima sa kanyang sasakyan nang dumating ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Batay sa ulat, ipinarada ng suspek ang motorsiklo na gamit nito at lumakad papalapit sa biktima at kaagad itong binaril ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril saka tumakas.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang pagkakakilanlan ng suspek at kung anu ang motibo nito sa pagpatay. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here