MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang nasa 10 Chinese national dahil sa P784 milyong halaga ng pekeng sigarilyo sa Negros Occidental, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Biyernes, Abril 24.
Nadiskubre ng mga awtoridad ngayong linggo ang pagawaan ng sigarilyo sa isang warehouse sa Purok Rosas, Barangay Calumangan, Bago City.
“Initial findings showed that [a facility in] Bacolod City was being used as a storage and consolidation point, while manufacturing activities were allegedly conducted in [the warehouse in] Bago City,” paliwanag ng DILG.
“Investigators are looking into reports that the facility may have had the capacity to produce massive volumes of counterfeit cigarettes intended for distribution across Negros and the wider Visayas area,” dagdag pa.
Sinabi ng DILG na iniimbestigahan nito ang umano’y kaugnayan ng operasyon sa online na bentahan ng sigarilyo at online sabong sa Cebu.
Bagamat narekober ng mga awtoridad ang P784 milyong halaga ng pekeng sigarilyo, tinatayang aabot sa P799.15 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na kontrabando, raw materials at kagamitan.
Idinagdag pa ng 15 manggagawa ang nasagip mula sa Bago City facility.
Napag-alaman pa ng PNP na isa sa mga manggagawa ay menor de edad.
“The facility was operating under the guise of a legitimate trading compound while allegedly employing local workers under foreign supervision.”
Nasa kustodiya na ng pulisya ang 10 Chinese national at posibleng sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Sabotage Act at pamemeke ng pagkakakilanlan. RNT/JGC