Home HOME BANNER STORY Sunog sumiklab sa Commonwealth Market

Sunog sumiklab sa Commonwealth Market

136
0
filter: 0; jpegRotation: 0; fileterIntensity: 0.000000; filterMask: 0; module:1facing:0; hw-remosaic: 0; touch: (-1.0, -1.0); modeInfo: ; sceneMode: SFHDR; cct_value: 0; AI_Scene: (-1, -1); aec_lux: 0.0; hist255: 0.0; hist252~255: 0.0; hist0~15: 0.0;

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa Commonwealth Market sa Commonwealth Avenue, Quezon City madaling araw ng Sabado, Abril 25.

Ang sunog ay nagsimula 2:35 ng madaling araw na umabot sa ikalimang alarma 4:58 ng madaling araw bago idineklarang under control bandang 6:16 ng umaga.

Samantala, idineklarang fire out ang sunog bandang 6:36 ng umaga.

Naapektuhan ng sunog ang malaking bahagi ng pamilihan kabilang ang mga stall na nagbebenta ng dry good, karne, cellphone, at mga damit.

Naapektuhan din ang mga stall sa ikalawang palapag ng gusali.

Samantala, isang tao ang nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here