Home NATIONWIDE Mga grupo, nagprotesta sa pagkasawi ng 19 katao sa anti-insurgency ops ng...

Mga grupo, nagprotesta sa pagkasawi ng 19 katao sa anti-insurgency ops ng AFP sa Negros

104
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng protesta ang mga progresibong grupo noong Biyernes sa harap ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo upang kondenahin ang anti-insurgency operation sa Toboso, Negros Occidental na ikinamatay ng 19 katao.

Kabilang sa mga nasawi sina University of the Philippines student leader Alyssa Alano at community journalist RJ Nichole Ledesma.

Iginiit ng mga grupo ang panawagan para sa pananagutan at independent na imbestigasyon sa insidente noong Abril 19, at kinuwestiyon ang ulat ng militar.

Ayon kay KARAPATAN secretary-general Cristina Palabay, “Paulit-ulit na lang pong jinajustify ang patayan dahil encounter.”

Dagdag pa niya, “Kinausap ba nila ang pamilya? Nakausap ba nila si Alyssa? Pinatay lang naman nila eh. Ibig sabihin, wala silang ni katiting na batayan para sabihing na higit pa sa sibilyan si Alyssa.”

Sabi rin niya, “Hindi kami naniniwala na ang 19 na iyon ay bumagsak lang na parang mga manok. Nais naming malaman ang katotohanan kung ano ang nangyari sa araw na iyon—bakit ganoon katindi ang nangyaring itsura ng mga katawan. Kahit ang mga tinatawag na NPA, hindi na makilala eh.”

Panawagan ng grupo ang “truly independent investigation” mula sa Commission on Human Rights at iba pang international human rights bodies.

Kinondena naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang umano’y “fascist brutality”, ayon sa grupo, ang pahayag ng pamahalaan na isang matagumpay na engkuwentro laban sa New People’s Army (NPA) ang insidente ay “threadbare pretext” umano upang itago ang umano’y masaker.

“Reports from the ground, including indications of close-range gunfire and the absence of AFP casualties, expose the operation as a one-sided slaughter rather than a legitimate armed engagement,” ayon sa ACT.

“This massacre lays bare the real targets of such operations. The attacks extend beyond armed revolutionaries to those who choose to see, to learn from, and to stand with the oppressed,” pahayag pa nila.

Samantala, iginiit ng AFP na lehitimo ang operasyon at nakabatay ito sa intelligence laban sa New People’s Army (NPA). Ayon sa militar, ito ay “not an attack on civilians” at sinunod ng mga sundalo ang rules of engagement.

Nanawagan din ang AFP sa publiko na umiwas sa maling impormasyon at suportahan ang makatotohanang diskurso para sa pananagutan at kapayapaan. RNT/MND/DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here