Home NATIONWIDE PBBM: Serbisyo ng gobyerno tuloy kahit may energy emergency

PBBM: Serbisyo ng gobyerno tuloy kahit may energy emergency

74
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon at serbisyo ng gobyerno sa kabila ng umiiral na national energy emergency.

Sa kanyang vlog na inilabas noong Linggo, sinabi ng Pangulo na hindi maaaring maparalisa ang pamahalaan kahit may mga hamon sa suplay at presyo ng langis na dulot ng krisis sa Middle East.

“Hindi natin hahayaang maparalisa ang serbisyong binibigay ng gobyerno, anuman ang problemang hinaharap,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, mananatiling prayoridad ng administrasyon ang pagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng imprastraktura, kalusugan, edukasyon, pati na rin ang suporta sa sports, turismo, at kultura.

Ipinakita rin niya ang housing program ng pamahalaan na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program na layong tugunan ang backlog sa pabahay sa bansa.

Kamakailan, bumisita si Marcos sa Palayan City Township Project sa Nueva Ecija kung saan may mga natapos at okupadong housing units na.

Ayon sa ulat, ang 23-ektaryang proyekto ay inaasahang makakapagbigay ng tirahan sa mahigit 22,000 benepisyaryo kapag tuluyang natapos, kabilang ang mga vertical housing units at community facilities. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here