Home METRO Kalbong tulak, 2 parokyano, laglag sa ‘bato’ at ‘bakal’ sa Bulacan buy-bust

Kalbong tulak, 2 parokyano, laglag sa ‘bato’ at ‘bakal’ sa Bulacan buy-bust

97
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang tatlong indibiduwal matapos mahulihan ng baril at iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod Meycauayan nitong madaling araw ng Abril 25.

Sa ulat ni PLTCOL Melvin Florida Jr, hepe ng Meycauayan police station, kinilala ang suspek na si alyas “Kalbo”, mga kasamahang sina alyas “Bedick” at “Michael”.

Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang operasyon bandang 4:30 ng madaling araw sa Sampalukan st. Brgy. Pantoc.

Nabatid na nahuli ang pangunahing target nang maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover habang ang mga kasama ay nadampot din nang maka-iskor ng nasabing iligal na droga.

Nasamsam sa mga suspek ang kabuuang walong sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 11 gramo, na may standard price na P74,800.00 at buy-bust money.

Bukod dito, nakumpiska rin sa pangunahing target ang isang caliber .38 revolver na may dalawang bala.

Sinasabing ang mga suspek at mga ebidensiya ay dinala sa himpilan ng pulisya at sumailalim sa pagsusuri sa Bulacan Forensic Unit.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here