Home METRO Buy-bust ops sa Cavite, nauwi sa putukan; P3.4M tobats, nakumpiska

Buy-bust ops sa Cavite, nauwi sa putukan; P3.4M tobats, nakumpiska

130
0

CAVITE, Philippines – Nasa humigit sa P3 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam  makaraang ang buybust operation sa isang hinihinalang tulak na humantong  pa sa engkuwentro sa Dasmarinas City, Cavite Sabado ng hapon.

Sa nakalap na report, Naka-hospital arrest ngayon sa Pagamutan ng Dasmariñas City, Cavite ang suspek na si alyas Ali ng Brgy Datu Esmael, sa nasabing lungsod dahil sa tama ng bala sa katawan habang pinaghahanapp pa ng pulisya ang dalawang kasamahan nito na nakatakas.

Batay sa ulat, bandang alas-4:43 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga ahente ng Bulacan Provincial Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA) at PDEA Region 4A sa Brgy San Dionisio, sa naturang lugar.

Subalit nang aarestuhin na  ang mga suspek pumalag ang mga ito nang aagad naman napansin ng pulis ang kanilang kausap, dito  na nagapalitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at awtoridad kung saan nabaril si alyas Ali habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P3,400.000.00 at buy bust money.

Nahaharap sa  kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek habang kasalukuyang pinaghahanap pa ang dalawa na nakatakas. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here