Home OPINION ANG TAO: MAY MUKHA AT BOSES NA DAPAT IPAKITA NG MEDIA (PART...

ANG TAO: MAY MUKHA AT BOSES NA DAPAT IPAKITA NG MEDIA (PART 1)

104
0

HINDI natin maikakaila na ang ating kasalukuyang mundo ay nakadepende na sa internet. Sa kasalukuyan, batay sa pagtataya, nasa mahigit 6 bilyong tao sa buong mundo ang gumagamit ng internet o katumbas ng 74 porsyento ng populasyon. Kabilang dito ang 97.5 milyong mga Pilipino, na katumbas naman ng 83.8 pors­yento ng ating bansa.

Malaki ang nagawa ng in­ter­net sa buhay ng sangkatauhan simula nang matuklasan ito noong dekada ’60 at lalong umunlad noong dekada ’90.

Hindi masama ang internet; si Pope Francis mismo ang nagsabing isa itong “regalo mula sa Diyos” na na­rarapat gamitin sa tama at nang tama.
Nawawalang Anyo

Ngunit ang masaklap, unti- unti nang nawawala ang tunay na anyo at boses ng tao—hindi dahil sa internet mismo kundi sa pamamaraan ng paggamit na­tin dito. Sa bawat scroll, click, at swipe, napapalitan ang lalim ng kuwento ng bilis ng impormasyon. Sa bawat trending na paksa, natatabunan ang tunay na damdamin ng isang tao ng maiingay na opinyon ng marami. Nakalilimutan ang mga tunay na mukha at boses na nararapat na marinig, igalang, at pangala­gaan.

Hindi na bago ang konsepto ng media bilang tagapagdala ng kuwento—mula radyo, telebis­yon, dyaryo, hanggang social me­dia. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago ang paraan ng pagkukuwento. Ngayon, lahat ay may boses. Sa isang banda, ito ay tagumpay ng demokras­ya. Ngunit sa kabilang banda, pa­ano natin mapapanatili ang kredi­bilidad, dignidad, at pagi­ging makatao sa gitna ng ingay?

Tao o Simbolo?

Ang “mukha” ay hindi lamang pisikal na anyo; ito ay sumasagi­sag sa identidad at karanasan. Ang bawat mukha ay may kuwento ng pag-asa at pakikibaka. Ngunit sa kasalukuyang kalaka­ran, ang isang magsasaka o ma­ngingisda ay nagiging simbolo na lamang ng kahirapan, ang biktima ay nagiging headline, at ang ordinaryong mamamayan ay nagiging content.

Gayundin ang “boses.” Ito ay representasyon ng katotoha­nan at karapatan. Ngunit ngayon, ang tunay na boses ay natatabunan ng mas malakas at mas viral na ingay. Mas pinapahalagahan ang dami ng likes kaysa sa katotohanan.

Ang Hamon ng Media

Dito pumapasok ang papel ng media bilang tagapangalaga. Halimbawa na lamang sa cove­rage ng mga sakuna. Sa likod ng bawat larawan ng nasalanta ay isang tao na may pamilya at dignidad. Ang tanong: Naipapakita ba ito ng media, o nagiging ins­trumento lamang ang kanilang paghihirap para sa ratings?

Ang trauma-informed repor­ting ay dapat mas bigyang-pansin. Ito ay ang paraan ng pagbabalita na isinasaalang-alang ang sikolohikal na kalagayan ng mga tao. Hindi lahat ng detalye ay ka­ila­ngang ilahad lalo na kung ito ay magdudulot ng ibayong sakit. May mga pagkakataong ang res­peto ay mas mahalaga kaysa sa pagiging eksklusibo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here