Home NATIONWIDE 3 vloggers na sinasabing nagpakalat ng maling info sa kalusugan ni PBBM,...

3 vloggers na sinasabing nagpakalat ng maling info sa kalusugan ni PBBM, inisyuhan ng subpoena

89
0

MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa tatlong vloggers na umano’y nagpakalat ng maling impormasyon hinggil sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa Malacañang nitong Lunes.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naipadala na sa NBI ang mga dokumentong mula sa Presidential Communications Office (PCO) para sa agarang at masusing imbestigasyon sa mga vloggers na umano’y nagpakalat ng pekeng balita tungkol sa kalagayan ng Pangulo.

“Ang binigay na dokumento ng PCO para sa agarang malalimang pag-iimbestiga sa mga vloggers na nagpakalat ng peke patungkol sa kalusugan ng ating Pangulo ay nai-forward na sa NBI,” ani Castro.

“At nagkaroon na rin ng subpoena para sa karampatang pag-iimbestiga,” dagdag niya.

Noong Abril 15, iniendorso ng PCO sa Department of Justice ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa tatlong Facebook accounts.

Ayon sa ahensya, ang isang account ay nagsagawa ng live broadcast na nagsasabing kritikal ang kalagayan ni Marcos, ang isa naman ay nag-post ng minanipulang larawan na nagpapakitang nasa pisikal na paghihirap ang Pangulo, habang ang ikatlo ay nagbahagi ng pekeng balita na may opisyal umanong kumpirmasyon sa seryosong karamdaman nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here