BAGO ang lahat, mainit muling pagbati sa “bosing” ng Police Files Tonite at matagal na nating kaibigan at kumpare na si Joey Venancio sa kanyang simple subalit masayang kaarawan nitong Linggo. Mabuhay ka hanggang gusto mo, Boss Joey and God bless you more!
***
Isang malaking tagumpay sa ating pambansang seguridad ang nangyaring engkwentro sa Negros Occidental nitong Abril 19, kung saan 19 din na mga kasapi ng ‘NPA’ ang napatay, kabilang ang 2 ‘Fil-Americans’ na “nagoyo” ng ‘Anakbayan USA’ na maging mga aktibista at lumahok sa kanilang pekeng ‘armed struggle’ dito sa ‘’Pinas.
Ang Anakbayan ay isa lang sa napakaraming prenteng organisasyon ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army na parehong nakalista bilang ‘terrorist organizations’ sa listahan ng mga teroristang grupo ng ‘Tadong Unidos sa buong mundo.
Ang patuloy na pag-iingay, paghahanap ng simpatiya at panloloko ng mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA at mga operatiba nila sa loob at labas ng ating gobyerno upang baligtarin ang pangyayari at magalit ang taumbayan sa ating mga sundalo ay pagpapatunay na sadyang “mahaba pa ang laban” upang ganap na malipol ang mga tunay na kalaban ng ating demokrasya.
Nagpapakita rin ito na bagaman napalaki na ng mga inaning tagumpay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict gamit ang ‘whole of nation/whole of government strategy’ upang wakasan ang terorismo at panloloko ng CPP-NPA, marami pang kailangang tutukan at ayusin.
Sadyang malaking problema sa usapin ng ating pambansang katahimikan at seguridad kung may mga opisyal sa gobyerno sa Ehekutibo at Kongreso na nakikipag-alyansa sa mga terorista upang maisulong ang kanilang ‘political agenda’ at ‘personal vested interest.’
Sa “laban” kasing ito, hindi pwede ang istilong “doble-kara” ng ating mga opisyal— ‘publicly denouncing state enemies but secretly working with them to target their political opponents and ensure their continued grip in power.’
Ganito ang patuloy nating sitwasyon ngayon, mga kabayan, kaya hindi pa rin matapos ang problemang ito. “Paikot-ikot” lang tayo.
***
Sa darating na araw ng Linggo, muli tayong tatakbo bilang director ng ating samahan – NPC (National Press Club of the Philippines) at gaya ng dati, hinihingi natin ang suporta ng ating mga miyembro.
Para sa patuloy na matatag na serbisyo sa ating hanay.






