ISA siguro sa mga babantayan natin kung saan hahantong ang giyerang naganap sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental nitong Abril 19, 2026.
Nasa 19 ang namatay roon, kabilang ang umano’y 2 estudyante ng University of the Philippines at 2 US citizen.
Namatay rin sina RJ Nicole Ledesma, lokal mediaman at nominee ng Kabataan party-list noong halalang 2022 at si Roger Fabillar na miyembro ng New People’s Army na may patong na P1 milyon sa pagkakasangkot sa ilang pagpatay sa Escalante, Toboso at Calatrava.
Ayon sa 79th Infantry Battalion ng Philippine Army, pawang mga kasapi ng New People’s Army ang mga nasawi ngunit iginigiit naman ng Bagong Alyansang Makabayan na mga sibilyan ang mga ito habang nagbigay-pugay ang Communist Party of the Philippines sa mga namatay bilang mga pulang mandirigma, ayon sa pahayagang “Ang Bayan” noong Abril 21, 2026.
Habang kinokondena ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan at Anakbayan USA ang pangyayari bilang masaker sa mga inosenteng sibilyan, sinasabi naman ng militar na lehitimong engkwentro iyon sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at NPA.
Batay sa Wikipedia, kaalyadong grupo ang Bagong Alyansang Makabayan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers), Kabataan Partylist at GABRIELA na tinawag na Makabayan bloc sa Kamara.
Ngayon nag-iimbestiga na ang Commission on Human Rights sa pangyayari.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na “job well done” ang ginawa ng military habang nagpahayag naman si Vice President Sara Duterte ng suporta sa ginawa ng 79th IB.
Ani VP Duterte, “…achievement reflects not only your operational excellence but also your dedication to upholding peace, security, and the rule of law.”
Kasabay naman nito ang mga protesta ng human rights groups, ilang miyembro ng religious groups at pagkondena ng Bagong Alyansang Makabayan na dito nakapaloob ang Makabayan bloc.
Saan patutungo ang Pinas sa mga pangyayaring ito?






