Home NATIONWIDE SALN scrutiny, ibinabala ni Paolo Duterte

SALN scrutiny, ibinabala ni Paolo Duterte

98
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Paolo Duterte na maaaring busisiin ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga kongresista kung hindi nila susuportahan ang impeachment ni VP Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook post noong Mayo 1, sinabi niyang ang biglang pagtuon sa SALN ay posibleng may kaugnayan sa pulitika at hindi lang para sa transparency.

“May kumakanta na namang Tweety Bird. Ayon sa kanya, biglang naging uso ang SALN—hindi para sa transparency, kundi para sa timing,” ani Duterte.

Dagdag niya, maaaring gamitin ang SALN upang impluwensyahan ang boto ng mga mambabatas.

“Kung totoo man ang mga kuwentong ito, mukhang may bago tayong sistema—vote wisely… or we will look closely on your SALN,” aniya.

Tinawag niya itong “accountability with conditions” at sinabing nakaaapekto ito sa kalayaan ng mga opisyal na magpasya.

Iginiit din niya na may mga indibidwal na nakatuon umano sa pagkuha ng boto kaysa sa pagresolba ng mga problema ng bayan.

“Busy ang iba—hindi sa pag-aayos ng problema ng bayan—kundi sa pag-aayos ng boto,” dagdag niya.

Ayon pa kay Duterte, ang boto sa impeachment ay dapat nakabatay sa prinsipyo at mandato ng taumbayan, hindi sa pressure.

“It is a mandate of the people.”

Hinimok niya ang kapwa mambabatas na panindigan ang integridad at pakinggan ang kanilang mga nasasakupan sa pagdedesisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here