Home TOP STORIES Peace proposal ng Iran, tinanggihan ni Trump

Peace proposal ng Iran, tinanggihan ni Trump

94
0

ISLAMABAD, Pakistan – Tinanggihan ni Donald Trump ang pinakahuling peace proposal ng Iran para wakasan ang digmaan, dahil hindi pa siya nasisiyahan dito.

Ayon sa ulat, isinumite ng Iran ang plano sa pamamagitan ng Pakistan bilang tagapamagitan. Ngunit agad itong tinanggihan ni Trump.

“They want to make a deal, I’m not satisfied with it, so we’ll see what happens,” ani Trump.

Patuloy pa ring umiiral ang tigil-putukan sa loob ng tatlong linggo, kahit may palitan ng akusasyon ng paglabag ang dalawang bansa.

Nanatiling tensyonado ang sitwasyon sa Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng langis at gas sa mundo. Nagpatupad ang U.S. Navy ng blockade laban sa Iran, habang pinananatili rin ng Iran ang kontrol sa lugar—na nakaaapekto sa pandaigdigang ekonomiya.

Sinabi ni Trump na hati-hati ang pamunuan ng Iran.

“It’s a very disjointed leadership… They all want to make a deal, but they’re all messed up,” aniya.

Dagdag pa niya, dalawa lang ang opsyon ng U.S.: “I mean, do we want to go and just blast the hell out of them and finish them forever? Or do we want to try and make a deal? I mean, those are the options.”

Samantala, patuloy ang diplomatic efforts ng Iran, kabilang ang pakikipag-ugnayan ng Foreign Minister nitong si Abbas Araghchi sa iba’t ibang bansa at opisyal, gaya ng Kaja Kallas, upang maibalik ang normal na operasyon sa Strait of Hormuz.

Sa kabila nito, nananatiling mataas ang tensyon at may pangamba na muling sumiklab ang labanan anumang oras. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here