Home METRO 1,407 jobseekers nakilahok sa SOCCSKSARGEN Labor Day job fair; 114 hired on...

1,407 jobseekers nakilahok sa SOCCSKSARGEN Labor Day job fair; 114 hired on the spot

102
0
Sa pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Paggawa sa Quezon City M.I.C.E. Center noong Mayo 1, 2026. Pinangunahan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) katuwang ang lokal na pamahalaan, tampok sa selebrasyon ang malawakang job fair sa temang “Disenteng Trabaho para sa Lahat: Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-samang Mararating.”Layunin ng inisyatiba na pag-lapitin ang mga naghahanap ng trabaho at mga employer, sa pamamagitan ng isang sentrong handog na oportunidad sa trabaho at mga serbisyong pang-gobyerno mula sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.Patuloy na nagsisilbing mahalagang okasyon ang Araw ng Paggawa sa bansa upang isulong ang karapatan ng mga manggagawa at palawakin ang oportunidad sa empleyo sa pamamagitan ng malawakang job fair sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Bilang patunay sa pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa disenteng trabaho at serbisyo ng pamahalaan, umabot sa 1,407 jobseekers ang lumahok sa Labor Day Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region XII, kung saan 114 aplikante ang hired on the spot sa ika-124 na pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa KCC Convention and Events Center.

Pormal na binuksan ni DOLE Officer-in-Charge Benedicto Ernesto R. Bitonio, Jr. ang kaganapan at inasistehan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang pinangungunahan nito ang mga pangunahing aktibidad ng pagdiriwang at nakipag-ugnayan sa mga jobseeker at mga employer sa venue.

“May 93 pang ibang job fair na sabay-sabay na isinasagawa ngayon sa lahat ng rehiyon sa buong bansa. Nais naming ipaabot ang aming pasasalamat at mainit na pagbati sa mga stakeholder na lumahok sa lahat ng job fair na ito. Sa buong bansa, marami ang trabaho at oportunidad. Ito ay buhay na patunay na sa kabila ng iba’t ibang hamon na patuloy nating hinaharap bilang isang bansa, nananatiling matatag at dinamiko ang ekonomiya sa pagtataguyod ng buo, produktibo, at disenteng trabaho para sa lahat,” ani OIC Bitonio.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na ilapit ang serbisyo sa mga tao at lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

Dagdag pa niya na nananatiling pangunahing estratehiya ang mga job fair para ikonekta ang mga Pilipino sa trabaho, at mula Hunyo 2022 hanggang Pebrero ngayong taon, mahigit 6,600 job fair na ang naisagawa sa buong bansa, na nakatulong sa mahigit 1.5 milyong jobseeker, kung saan mahigit 250,000 ang hired on the spot.

Bukod sa employment facilitation, tampok din sa kaganapan ang One-Stop Shop ng mga serbisyo ng gobyerno, na nagbigay-daan sa mga aplikante na kumuha ng pre-employment requirements gaya ng clearances, registrations, at certifications mula sa mga partner agency sa iisang lugar.

May mga TESDA booth din na nag-aalok ng skills passport services, libreng basic services, at product showcases, pati na rin isang medical services area na nagbibigay ng konsultasyon, gamot, at tulong pangkalusugan sa mga jobseeker.

Itinampok ng Labor Day job fair ang patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor para mapabuti ang dami at kalidad ng oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino, alinsunod sa temang “Disenteng Trabaho para sa Lahat; Isang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-samang Mararating.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here