Home NATIONWIDE Ayuda, trabaho, proyektong pangkabuhayan pinalakas ni PBBM sa buong bansa

Ayuda, trabaho, proyektong pangkabuhayan pinalakas ni PBBM sa buong bansa

97
0

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglapit ng serbisyo ng gobyerno sa mga komunidad upang tugunan ang epekto ng tumataas na presyo ng pagkain at gasolina dulot ng pandaigdigang tensyon.

Nagbigay ang administrasyon ng subsidized rice sa 500 benepisyaryo, kabilang ang mga magsasaka, persons with disabilities, at solo parents. Isinagawa ito sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), kung saan bawat barangay ay binigyan ng ₱200,000 na tulong pinansyal.

Kabilang din sa mga nabigyan ng parehong ayuda ang mga komunidad sa Tacloban City, Samar, at General Santos City.

Pinangunahan din ng Pangulo ang pagdaraos ng mga job fair sa buong bansa sa pagdiriwang ng Labor Day. Ayon sa datos ng gobyerno, mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2026, mahigit 6,600 job fairs na ang naisagawa na nagresulta sa 1.5 milyong natanggap na trabaho, kabilang ang mahigit 250,000 na on-the-spot hiring.

Sa sektor ng agrikultura, pinasinayaan niya ang Hibulangan Small Reservoir Irrigation Project sa Leyte, na makikinabang ang 1,821 magsasaka mula sa Villaba, Matag-ob, at Kananga. Inaasahang tataas ng 57.39% ang ani kada ektarya.

Pinamunuan din ni Marcos ang pagpupulong ng UPLIFT Committee para sa mga hakbang sa seguridad ng pagkain, enerhiya, at trabaho, kabilang ang panukalang UPLIFT bill at microsite para sa transparency.

Nakipagpulong din siya kay dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida para sa kooperasyon sa enerhiya at renewable energy.

Sa usaping diplomatikong, ipinatawag ng Malacañang ang mga opisyal mula sa France at Czech Republic kaugnay ng kaso ni dating kongresista Zaldy Co, na nasa France umano at naghahanap ng asylum.

Sa kabuuan, layunin ng administrasyon na palakasin ang trabaho, pagkain, enerhiya, at serbisyo publiko sa gitna ng mga hamong pandaigdigan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here