Home OPINION KORTE SUPREMA AT JUSTICE COMMITTEE NG KAMARA

KORTE SUPREMA AT JUSTICE COMMITTEE NG KAMARA

114
0

DALAWANG desisyon ang naging pangunahing balita.

Una, ang desisyon ng Korte Suprema kung ano ang ibig sabihin ng FORTHWITH sa Saligang Batas pagdating sa impeachment- The constitutional term ” forthwith” in impeachment proceedings does not mean immediate action, but rather ” WITHIN A REASONABLE TIME, which may be longer or shorter, depending on the Senate exercise of discretion and DEPENDING ON THE SENATE EXERCISE OF DISCRETION AND CIRCUMSTANCES OF EACH CASE.

Bakit? While the Constitution sets a specific timeframe for the House of Representatives to act on impeachment complaints, it does not impose a FIXED DEADLINE for the Senate to begin trial.

Ibig sabihin, may time frame ang kamara sa pag-aksyon sa isasampang impeachment pero wala sa Senado.

Pangalawa, ang boto ng House committee on justice na pabor sa impeachment complaint. Hindi naman kagulat-gulat ito.

Tanong? Impeached na ba si Vice President Sara. Hindi pa dahil kailangan pa ng at least one third vote of all members of the House para pagbotohan ang resolution ng House justice committee.

Pagdating sa plenaryo ay malamang pagdedebatihan ng matindi iyan dahil maraming hindi kasapi ng komite ang gustong busisiin ang resolution. Pero ipagpalagay natin na lumusot sa Kamara, convicted na ba si VP Sara?

HNDI. Dahil kahit lumusot sa Kamara ang articles of impeachment, only the Senate shall have the SOLE POWER to try and decide all cases of impeachment.

Ha? So nasayang lang ang ” mini trial” sa justice committee? Hindi naman. Dahil paniwala ng komite ay nasa kapangyarihan nila ang mag hearing.

Dito sa puntong ito mahalaga ang desisyon ng Korte Suprema sa usaping ” forthwith”. Hindi na uubra ang balak ng Senate President at anti-VP Sara senators na KAAGAD AGAD MAGTRIAL dahil depende ito sa circumstances ng kaso.

May mga senador na pwede maghain ng resolution na hintayin ang desisyon ng Supreme Court sa mga petition na isinampa laban sa proseso ng justice committee ng Kamara. Bagamat naituloy ay dededisyunan pa ng SC kung labag ba ang prosesong ginawa nila at kung may grave abuse of discretion amounting to a denial of due process.

Tanong? Bakit pagproseso sa Kamara ay pwede makialam ang Korte Suprema pero sa Senado ay hindi?

Dahil may prosesong dapat sundin ang Kamara nakasaad sa Saligang Batas at maaaring tingnan ito ng Kataastaasang HUkuman kung nasunod ba o hindi at kung hindi nasunod ay may GRAVE ABUSE OF DISCRETION para ipawalang-bisa ang naging proseso sa House. Samantalang the Senate have the SOLE POWER TO TRY AND DECIDE CASES OF IMPEACHMENT.

May isang mambabatas na nagcomment na kapag mga Duterte raw kapag nagigipit sa Korte Suprema kumakapit.

Natural Mr. Congressman, dahil ang Korte Suprema ang taga-interpret ng Saligang Batas at karapatan ng kahit sino ang dumulog sa husgado ‘to have access to the court’.

At darating ang araw ay sa husgado ka rin pupunta kapag may kaso ka. Ano gusto mo sa bundok sila pumunta?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here