Home HOME BANNER STORY Paglalathala ng AMLC records, ibinabala ng kampo ni Atty. Carpio

Paglalathala ng AMLC records, ibinabala ng kampo ni Atty. Carpio

81
0

MANILA, Philippines – Nagbabala nitong Lunes ang kampo ni Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban sa media hinggil sa posibleng paglalathala ng ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kinalaman umano sa kanyang bank records.

Ayon kay Atty. Peter Paul Danao, legal counsel ni Carpio, bawal umano sa ilalim ng Republic Act No. 9160 (Anti-Money Laundering Act) ang paglalathala ng kumpidensyal na impormasyon mula sa AMLC.

“As a lawyer, I have to warn that, even under the AMLC, the media is being prohibited,” ayon kay Danao.

Dagdag pa niya, maaaring managot umano ang mga reporter, editors, at publisher kung ilalabas ang naturang impormasyon, ngunit nilinaw rin niya na walang balak ang kampo ni Carpio na sampahan ng kaso ang media.

“Atty Mans has not, and has no intention to, to file any case against the media,” aniya.

Samantala, may ibang abogado namang sumalungat sa babala. Ayon kay Atty. Michael Yusingco, isang research fellow sa Ateneo School of Government, ang pag-uulat ng media sa mga opisyal na pagdinig ay protektado ng Konstitusyon.

“Reporting on official and public proceedings… is protected by the constitution,” saad ni Yusingco.

Giit pa niya, may “full constitutional protection” ang mga mamamahayag at hindi sila dapat pigilan sa pag-uulat ng katotohanan na mahalaga sa publiko.

Ang isyu ay kaugnay ng ulat ng AMLC na inilabas sa House impeachment hearing, kung saan sinabing may mga bank transactions na umabot sa bilyon-bilyon na may kaugnayan kina VP Sara Duterte at Atty. Carpio.

Ayon sa AMLC report, may mga transaksyon umanong umabot sa ₱6.7 bilyon, ngunit itinanggi ito ng kampo ni Carpio at sinabing pinalaki o “bloated” ang naturang halaga.

Patuloy ang diskusyon sa legalidad ng pag-uulat ng naturang impormasyon habang nananatiling sentro ito ng imbestigasyon sa Kamara. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here