BATAAN- Nakorner ng mga awtoridad ang isang Top Most Wanted Person na akusado sa dalawang kaso ng Rape sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Balanga City.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, hindi na nakapalag pa ang suspek na Top 1 Most Wanted Provincial Level na akusado sa kasong 2 counts of Rape and Rape Through Sexual Assault ng arestuhin ng mga operatiba ng Balanga City Police Station Tracker team.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO