Home METRO Seguridad sa Eastern Samar, pinaigting ng PNP matapos ang lindol

Seguridad sa Eastern Samar, pinaigting ng PNP matapos ang lindol

185
0

EASTERN SAMAR, Philippines – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang presensya at seguridad sa Eastern Samar matapos ang magnitude 6 na lindol noong Lunes.

Ayon sa PNP, agad na nag-deploy ang mga tauhan ng Police Regional Office-8 (Eastern Visayas) upang tumulong sa mga apektadong lugar, tiyakin ang kaligtasan ng komunidad, at mapanatili ang kaayusan.

“Our priority is to secure communities, prevent opportunistic crimes, and support evacuation and rescue efforts where needed,” pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. noong Martes.

Naganap ang lindol alas-2:09 ng hapon, na may epicenter na siyam na kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng San Julian. Batay sa unang ulat, wala namang naitalang malaking pinsala.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Can-avid, Dulag, Alangalang, at Gandara; Intensity 4 sa Abuyog, Palo, at Carigara; at Intensity 3 sa Naval, Hernani, Ormoc City, Hilongos, Albuera, Baybay, Villaba, at Isabel. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Southern Leyte, Sorsogon, Cebu, Iloilo, Masbate, at Davao Occidental.

Nakikipagtulungan ang PNP sa mga disaster response team upang matiyak ang seguridad habang nagpapatuloy ang relief at recovery efforts.

Iniutos din ni Nartatez sa PRO-8 na suriin ang kahandaan sa operasyon, kabilang ang kondisyon ng mga pasilidad ng pulisya at komunikasyon.

“I have directed PRO-8 to assess if there is major damage to our police facilities. But rest assured that we have contingency measures in place, including backup communication systems and mobile deployment, to ensure uninterrupted police service,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here