Home HOME BANNER STORY Halaga ng piso, pinakamababa sa 8-taon dahil sa inflation

Halaga ng piso, pinakamababa sa 8-taon dahil sa inflation

90
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Bumaba sa pinakamababang antas sa loob ng walong taon ang buying power ng Philippine peso dahil sa tumataas na inflation, na umabot sa pinakamabilis na pagtaas sa loob ng tatlong taon noong nakaraang buwan.

Ayon kay Claire Dennis Mapa, National Statistician at pinuno ng Philippine Statistics Authority, ang halaga ng P1 noong base year na 2018 ay katumbas na lamang ng 73 sentimo pagsapit ng Abril 2026.

Sinabi ni Mapa na ang halaga ng piso noong nakaraang buwan ang “pinakamababa mula nang i-rebase ito noong 2018.”

Ibig sabihin, ang P100 noong 2018 ay katumbas na lang ng P73 ngayon, habang ang P1,000 noon ay nasa P730 na lamang.

“When inflation increases, the consequence is the purchasing power of the peso declines,” ani Mapa.

Ipinaliwanag ng PSA na ang purchasing power ay tumutukoy sa tunay na halaga ng pera—o kung gaano karaming produkto at serbisyo ang mabibili nito kumpara sa base year.

Kapag mababa ang purchasing power, mas kaunti ang nabibili ng mamimili gamit ang parehong halaga ng pera.

Kinukuwenta ito sa pamamagitan ng paghahati ng 1 sa consumer price index at pag-multiply ng 100.

Ang pagbaba ng buying power ng piso ay kasunod ng pagtaas ng inflation sa 7.2% noong Abril mula sa 4.1% noong Marso, dulot ng pagmahal ng mga bilihin, fuel, at serbisyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here