Home NATIONWIDE Pagbangon ng hog industry vs ASF, pinapabilis ng DA

Pagbangon ng hog industry vs ASF, pinapabilis ng DA

97
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture na pinapabilis nito ang pagbangon ng industriya ng baboy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa pamamagitan ng pinalawak na repopulation program.

Ayon sa DA, bibili ito ng humigit-kumulang 32,000 gilts o batang inahing baboy sa ilalim ng National Livestock Program ng Bureau of Animal Industry.

Layunin ng programa na maibalik ang populasyon ng baboy sa dating antas na 13 milyong ulo bago tumama ang ASF noong 2019, at magdagdag ng anim na milyong baboy pagsapit ng 2028.

“We need to produce at least one million more head of pigs this year alone if we are to stabilize supply, reduce reliance on imports, and move closer to President Ferdinand Marcos Jr.’s vision of a food-secure Philippines driven by stronger local production,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Nasa P1.6 bilyon ang pondo ng programa at nakapaloob ito sa Animal Industry Development and Competitiveness Act (AIDCA), na nagbibigay ng P20 bilyon kada taon sa loob ng sampung taon para palakasin ang livestock sector.

Ayon kay DA Undersecretary Constante Palabrica, wala nang naitalang infected pigs sa loob ng ilang panahon kaya naalis na ang mga checkpoint sa Metro Manila.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagbabantay ng DA habang pinalalawak ang hog repopulation program at nagpapatuloy ang bakuna laban sa ASF at avian influenza, kasama ang pagtingin sa karagdagang vaccine suppliers para sa mas matibay na livestock industry. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here