Home LIFESTYLE HEALTH ‘Bembang’ pampahaba ng buhay ng mag-irog – pag-aaral

‘Bembang’ pampahaba ng buhay ng mag-irog – pag-aaral

158
0

BULACAN, Philippines – Posibleng mas mahaba umano ang buhay ng mga kalalakihang madalas makipagtalik sa kanilang misis sa loob ng isang buwan.

Base sa pag-aaral ng eksperto at ayon na rin sa nagviral na post kamakalawa ni Doc Alvin tungkol dito, ayon sa pag-aaral nasa 900 kalalakihan ang ini-examine ang nagpatunay tungkol dito.

Lumabas sa pag-aaral na ang lalaking nakikipaglabing-labing once a week ay mas mababa ng 50% yung risk nilang mamatay kumpara sa isang beses nakikipagtalik sa loob ng isang buwan.

Kapag nagkakaroon umano ng special moment kay mister o kay misis ay tumataas ang “oxytocin” na love hormones ng mga ito na nakakatulong para bumaba ang stress at mabawasan ang inflamation ng katawan.

Sakaling mataas ang oxytocin ay mas mababa ang risk ng mga once a week na nakikipagtalik sa sakit sa puso at cancer.

“So baka naman itigil mo na yung maintenance mo at gawin mo nang maintenance yung pakikipaglabing-labing? Tandaan natin na sa study na ito ay marami pong factors na kailangan i-consider, “ anang manggagamot na nagviral sa kanyang post.

Aniya, baka naman sa mga mas mahabang nabuhay ay talagang healthy na sila, to start with, baka healthy din ang lifestyle at healthy ang mga kinakain.

Samantalang sa mga nakikipag-niig na lamang ng isang beses sa isang buwan ay meron ng ibat-ibang uri ng sakit o hindi healthy ang lifestyle ng mga ito.

Sinasabing sa pag-aaral ay klaro na nakakatulong ang pakikipagbembangan  para bumaba ang stress ng katawan, para maayos ang pagtulog at para mag-improve ang health status ng isang tao. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here