Home NATIONWIDE Kamara hinamon ni Leviste na imbestigahan si ES Recto

Kamara hinamon ni Leviste na imbestigahan si ES Recto

101
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Batangas Rep. Leandro Leviste na imbestigahan ang kaugnayan ni Executive Secretary Ralph Recto sa anomalya ng flood control.

Ito ang hamon ni Leviste sa liderato ng Kamara dahil aniya’t patapos na ang impeachment kaya marapat lamang na balikan na ang imbestigasyon ukol sa anomalyang nabanggit.

Kumbinsido rin si Leviste na sinadya ang biglaan at nakakagulat na pag-adjourn kahapon ng sesyon upang mapigilan ang kaniyang privilege speech ukol sa anomalya sa flood control.

Sinabi ng kongresista na ibubunyag niya sana ang kaugnayan ni Batangas Rep. Edwin Gardiola kay Executive Secretary Ralph Recto, nang biglang I-adjourn ang sesyon na ang nag-preside ay si Deputy Speaker Emano na ikinagulat ng mga kongresista dahil nakatayo na ang kongresista sa plenaryo.

Hindi na ito pinayagang makapagsalita pa.

“Biglang sinuspende ng Kongreso ang sesyon bago matapos ang agenda dahil gagawin ko na ang aking privilege speech tungkol sa kaugnayan nina Executive Secretary Ralph Recto at Congressman Edwin Gardiola – tinukoy ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) bilang isa sa pinakamalaking DPWH contractor sa Kongreso.

Ayon kay Leviste kung hindi man siya binigyan ng pagkakataon kahapon ay magagawan ng paraan upang ito ay kaniyang mailantad.

“Pero ok lang-mas lalo pa mapapaisip ang mga tao kung ano talaga ang kinatatakutan nilang sasabihin ko, at mailalabas ko rin naman ito sa mas tamang oras bukas.”

Sinabi pa ni Levite na napilitan siyang magsalita matapos siyang pagsabihan ni Recto na isang baliw.

“Tinawag ako ni Recto na baliw. Kung totoo man na ako ay baliw at least hindi ako magnanakaw,” giit pa ni Leviste.

Ipinagtataka rin ng batang kongresista kung bakit at paano naitalaga si Recto bilang Executive Secretary gayung may kaso itong Plunder Technical Malversation, at Graft and Corruption dahil sa paglilipat sa may P60 bilyong pisong Philhealth reserve funds sa National Treasury. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here