Home NATIONWIDE Edukasyon, training isinusulong ng Inter-agency body para sa mas maraming dekalidad na...

Edukasyon, training isinusulong ng Inter-agency body para sa mas maraming dekalidad na trabaho sa Pilipino

101
0

MANILA, Philippines – Libu-libong Pilipino ang makikinabang sa mas malinaw na daan patungo sa dekalidad na trabaho habang isinusulong ng Education and Workforce Development Group (EWDG) ang pagsasaayos ng mga programa sa edukasyon at pagsasanay upang tumugma sa modernong pangangailangan ng industriya.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng adyenda ng administrasyong Marcos para sa pagpapabawas ng kahirapan at pagpapalago ng inklusibong ekonomiya.

Pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang Chairperson, katuwang ang mga kalihim ng DepEd bilang Co-Chairperson at DOLE bilang Vice-Chairperson, ang EWDG ay nagsisilbing pangunahing coordinating body ng bansa sa edukasyon at workforce development. Kasama rin sa grupo ang CHED, DMW, DEPDev, at TESDA.

Layunin ng EWDG na i-align ang mga polisiya, programa, at pamumuhunan sa edukasyon, pagsasanay, at trabaho upang mas mapadali ang paglipat mula paaralan patungo sa trabaho, mapabuti ang job readiness, at mapalawak ang access sa dekalidad na trabaho.

Pinaplano rin ng grupo ang pagbuo ng 10-taong National Education and Workforce Development Plan upang gabayan ang mga reporma at rekomendasyon sa ilalim ng EDCOM II National Plan, na naglalayong palakasin ang kompetisyon ng workforce at magbigay ng mas magandang oportunidad sa susunod na henerasyon.

Sa unang pulong noong Abril 22, 2026 sa Makati City, tinalakay ang mga updates sa labor market information systems, Public Employment Service Offices, at Trabaho Para sa Bayan Plan.

Ibinahagi rin ng EDCOM II ang mga natuklasan sa ulat nito ukol sa mga kakulangan sa sektor ng edukasyon at ang pag-aangkop ng learning outcomes sa pangangailangan ng industriya.

Isinagawa rin ang ceremonial turnover ng Project TAHANAN, isang unified data system para sa Philippine Education Cluster, mula DepEd patungo sa CHED at TESDA upang suportahan ang mas mahusay na paggawa ng polisiya.

Dumalo sa pulong ang mga opisyal mula DepEd, DOLE, DEPDev, CHED, TESDA, DMW, at EDCOM II, kabilang sina DepEd Secretary Sonny Angara, DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, CHED Chairperson Shirley Agrupis, TESDA Director-General Kiko Benitez, at EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here