Home METRO 70 olive ridley turtle hatchlings, ligtas na ipinabalik sa dagat sa Zamboanga...

70 olive ridley turtle hatchlings, ligtas na ipinabalik sa dagat sa Zamboanga del Sur

67
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Pitumpung (70) hatchlings ng Olive Ridley sea turtle ang matagumpay na naibalik sa dagat matapos ang mabilis na pag-uulat at koordinadong aksyon ng mga lokal na environmental frontliners sa Barangay Alindahaw sa bayan ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources Region 9 noong Mayo 5, unang nakita ang mga hatchlings sa Acacia Beach Resort ni Bantay Dagat member Jessie Wison, na agad na nag-ulat sa mga awtoridad.

Nagsagawa naman ng inspeksyon si Forester Rodel Arabes ng Community Environment and Natural Resources Office Ramon Magsaysay upang matiyak ang maayos at ligtas na paghawak bago ibalik sa dagat ang mga pawikan.

Ayon sa DENR, ito na ang ikatlong naitalang hatchling release sa naturang barangay ngayong taon, at may mga naunang paglitaw na rin sa mga nakaraang taon.

Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagbabantay ng komunidad at pagtutulungan ng mga ahensya sa pagprotekta ng marine wildlife, lalo na sa agarang pag-uulat ng mga residente.

Patuloy ding nakikipagtulungan ang DENR sa mga komunidad upang pangalagaan ang mga baybaying dagat at marine ecosystem, at kinikilala ang Tukuran bilang mahalagang lugar para sa paglabas ng mga pawikan hatchlings. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here