Home NATIONWIDE DSWD, DENR nagkasundo para sa mas ligtas, likas-kayang komunidad

DSWD, DENR nagkasundo para sa mas ligtas, likas-kayang komunidad

56
0

MANILA, Philippines – Pormal na nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang palakasin ang community-driven development na layong pagandahin ang buhay ng mga komunidad habang pinapangalagaan ang kalikasan sa gitna ng climate change at iba pang banta.

Sa isang seremonya sa DSWD Central Office sa Quezon City, nilagdaan ng dalawang ahensya ang memorandum of agreement (MOA) na naglalayong pagdugtungin ang social protection at environmental management.

Ayon kay DSWD Undersecretary Monina Josefina Romualdez, layunin ng kasunduan na kilalanin na magkaugnay ang kahirapan, kahinaan ng komunidad, at pagkasira ng kalikasan, kaya dapat itong sabay na tugunan.

Bahagi ng partnership ang pagpapadali ng pagproseso ng environmental permits at clearances para sa mga small-scale community infrastructure projects, lalo na sa mga kritikal na lugar.

Saklaw nito ang mga programa sa ilalim ng KALAHI-CIDSS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP).

Ayon sa DENR acting Secretary Juan Miguel Cuna, mahalaga ang kasunduan upang matiyak na ang mga proyekto ng komunidad tulad ng water systems, basic infrastructure, at livelihood projects ay sumusunod sa environmental requirements.

Inaasahan ng dalawang ahensya na magreresulta ito sa mas mabilis na pagpapatupad ng mga proyekto, mas matatag na lokal na pamamahala, at mas sustenableng kabuhayan na hindi nakakasira sa kalikasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here