MANILA, Philippines – Kinondena ng Schools Division ng Taguig City at Pateros ang pagpatay sa gurong si Maria Elaine B. Valencia na binaril at napatay sa Abra noong nakaraang linggo habang buntis.
“It is with profound sorrow and a heavy heart that we address the senseless killing of our beloved teacher, Maria Elaine B. Valencia of Gat Andres Bonifacio Elementary School. In an act of unthinkable violence, she was taken from us in Barangay Bumagcat, Tayum, Abra, on May 08, 2026,” ayon sa pahayag ng Schools Division.
Nanawagan din ito sa mga awtoridad na agad mahuli ang salarin sa krimen.
“We strongly condemn this act of violence and call upon law enforcement authorities to act swiftly in apprehending the perpetrator,” dagdag nito.
Si Valencia, 36-anyos at pitong buwang buntis, ay residente ng Barangay Pawa, Lagangilang, Abra. Papunta umano siya sa bus terminal sa Bangued sakay ng motorsiklong minamaneho ng kanyang asawa at may isa pang kasamang sakay ng ibang motorsiklo nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang mga armado na agad tumakas matapos ang insidente.
Isinugod siya sa ospital sa Ilocos Sur ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong maraming tama ng bala.
Nag-alay rin ng panalangin ang Schools Division para kay Valencia at sa kanyang dinadalang sanggol habang nagbigay-pugay naman ang Gat Andres Bonifacio Elementary School sa nasawing guro.
“Ma’am Elaine Valencia was more than a colleague, she was a friend, a mentor, and an inspiration to everyone who had the privilege of knowing her. Her passion for teaching and genuine care for her students and co-teachers left a lasting mark that will never be forgotten,” ayon sa paaralan. Mary Anne Sapico