Home NATIONWIDE Cable damage sa DPWH excavation sanhi ng service disruption – Globe

Cable damage sa DPWH excavation sanhi ng service disruption – Globe

120
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Globe Telecom, ang naging aberya sa mobile at broadband services sa ilang bahagi ng Metro Manila at Luzon ay dulot ng pagkasira ng underground fiber optic cables habang may drainage excavation na isinagawa ng subcontractor ng Department of Public Works and Highways.

Batay sa ulat ng Globe, naapektuhan ang mga pangunahing linya sa Paco, Manila kaya nakaranas ang mga customer ng intermittent na signal sa tawag, text, at internet noong Martes ng hapon.

Ayon sa kumpanya, natapos ang restoration at naibalik ang serbisyo bandang 10:30 p.m. noong parehong araw.

Sinabi ng Globe president at CEO na si Carl Raymond Cruz na ilang cable lines ang naputol sa loob ng maikling oras, na nagdulot ng malawakang aberya.

Giit ng kumpanya, mahalaga ang mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng DPWH, local government units, at contractors upang maiwasan ang ganitong insidente sa hinaharap at maprotektahan ang underground infrastructure. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here