MANILA, Philippines – Dumating na sa Senate of the Philippines si Department of interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla kasunod ng nangyaring tensyon sa loob ng Senado nitong gabi ng Mayo 13, 2026.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung ano ang naging sanhi ng pagpapaputok ng baril sa loob ng Senado.
Ayon sa mga opisyal, walang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.
Kinumpirma ni Alan Peter Cayetano ang insidente habang nagpapatuloy ang usapin kaugnay ng posibleng pag-aresto kay Sen. Ronald dela Rosa dahil sa warrant mula sa International Criminal Court.
Nilinaw din ni Remulla na hindi siya pumunta sa Senado upang arestuhin si Sen. dela Rosa. RNT