Home IN PHOTOS “Kadiwa ng Pangulo” store sa PNP Camp sa Cabanatuan

“Kadiwa ng Pangulo” store sa PNP Camp sa Cabanatuan

91
0

Nagdaos ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ng “Kadiwa ng Pangulo Store in PNP Camp” sa Camp Gen. Mariano N. Llanera sa Cabanatuan City.

Sa pamumuno ni PCOL Ritchie R. Claravall, Provincial Director, isinagawa ang aktibidad ngayong araw sa NEPPO Covered Court kung saan nakabili ang mga PNP personnel at kalapit na komunidad ng murang produktong agrikultural at iba pang pangunahing bilihin.

Layunin ng programa na makatulong sa pagbibigay ng abot-kayang pagkain at bilihin sa publiko.

Patuloy na sinusuportahan ng NEPPO ang mga programang para sa kapakanan ng komunidad alinsunod sa PNP Focused Agenda na “Bagong PNP Para Sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” VAL LEONARDO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here