Home OPINION P32.9B PABAHAY NG PAG-IBIG, LUMAGO NG 9% NGAYONG Q1

P32.9B PABAHAY NG PAG-IBIG, LUMAGO NG 9% NGAYONG Q1

52
0

UMABOT sa P32.92 bilyon ang inilabas na home loans ng Pag-IBIG Fund sa unang quarter ng 2026, mas mataas ng 9% kumpara sa P30.22 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon sa ahensya, ito ay bunga ng pinalawak na akses sa housing financing para sa mga manggagawang Filipino.

Ang nasabing pondo ay na­gamit sa pagpapatayo at pagbili ng 20,926 na bahay mula Enero hanggang Marso 2026, mas mataas sa 20,315 na yunit noong 2025. Dahil dito, libo-libong Pinoy ang nag-babye na sa renta! Hindi na sila “tenant” lang, kundi mga certified “homeowner” na at may hawak na ng sariling susi sa pa­ngarap nilang tahanan!

Sa bilang na ito, ang sociali­zed housing loans ay nakapagtala ng P2.95 bilyon para sa 3,439 na bahay, isang malaking pagta­lon na 68% sa halaga at 92% sa bilang ng yunit, na nagpapatunay sa tutok ng ahensya sa mga low- income sectors.

Suporta mula sa Administrasyong Marcos

Ang paglagong ito ay naganap kasabay ng mga pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga housing projects kama­kailan.
Binigyang-diin ng Pangulo ang layunin ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program na makapagbi­gay ng disenteng tahanan para sa bawat pamilyang Pilipino.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling, ang pag­taas ng loan releases ay patunay na nagbubunga na ang direktiba ng Pangulo.
“Hindi lang bahay ang naibi­bigay natin; lumilikha rin ito ng trabaho at nagpapasigla sa ating ekonomiya. Ito ang Bagong Pilipinas sa gawa,” aniya.

Mas Abot-kayang Bayad kaysa Renta

Ayon naman kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta, nananatiling prayoridad nila ang matulungan ang mga miyembro na magkaroon ng sariling bahay sa halagang kaya nilang bayaran buwan-buwan.

* Mas Mababa sa Renta: Marami sa mga monthly payments ay mas mababa pa kaysa sa upa sa bahay.

* Extra Savings: Ang natiti­pid ng mga miyembro ay maa­aring gamitin sa pagkain, edukasyon, o ilagay sa Pag-IBIG MP2 Savings.

* Disiplina sa Pagbabayad: Pi­nasalamatan din ni Acosta ang mga borrowers na respon­sableng nagbabayad, dahil ang kanilang disiplina ang nagpapa­natili sa lakas ng pondo para sa mga susunod pang manghihiram.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here