Home NATIONWIDE Inisyatibo na magpapalawak sa public access sa tulong, serbisyo ng gobyerno isinulong...

Inisyatibo na magpapalawak sa public access sa tulong, serbisyo ng gobyerno isinulong ni PBBM

56
0

MANILA, Philippines – ISINULONG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serye ng mga inisyatiba na naglalayong palawakin ang public access sa pagbibigay ng tulong at serbisyo ng gobyerno.

Binigyang diin ang ginagawang pagtutulak ng administrasyon para sa ‘more inclusive at people-centered governance.’

Sa buong linggo, ang mga naging aktibidad ng Pangulo ay nagbigay-diin sa consistent na pagtutok na tiyakin na ang national policies ay magta-translate sa isang konkretong benepisyo para sa mas maraming komunidad.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pag-roll out ng community-based assistance sa ilalim ng “Bawat Bayan Makikinabang” program, pinagsamang pamamahagi ng bigas, educational support, at local development funding.

Ang inisyatiba ay mapakikinabangan ng vulnerable sectors, kabilang na ang solo parents, mga magsasaka, indigenous peoples, persons with disabilities, at low-income families.

Ang bawat barangay na saklaw ay makatatanggap ng pondo para sa mga priority projects at educational assistance para sa mga kuwalipikadong estudyante.

Ang inisyatiba ay kasama sa Bagong Pilipinas Rice Program, nagbibigay ng subsidized rice mula sa lokal na magsasaka para palakasin ang food security.

Nauna rito, binisita ng Pangulo ang Cagayan, araw ng Biyernes para ilunsad ang programa, bahagi rito ang 111,333 benepisaryo.

Binisita rin ng Pangulo ang ilang ospital ngayong linggo bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap na palakasin ang access tungo sa affordable, high-quality healthcare services sa buong bansa.

Binisita rin niya ang The Medical City sa Pasig City para inspeksyunin ang mga hospital services at i-assess ang implementasyon ng pinalawak na Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) benefits, kabilang na ang pinahusay na maternity care at outpatient emergency coverage.

Nagpunta rin ang Chief Executive sa Clark, Pampanga para libutin ang bagong tatag na Pampanga Provincial Hospital – Clark, isang major addition sa public healthcare infrastructure na magsisilbi sa Clark Freeport Zone at kalapit-lugar.

Ang pasilidad ay isang Level II hospital na mayroong modernong diagnostic at clinical services, inaasahan na makapagsisilbi sa mga residente, manggagawa at investors sa lumalagong economic zone.

Inilagay din ang ospital para sa accreditation sa ilalim ng PhilHealth’s Yaman ng Kalusugan Program, na magbibigay ng komprehensibong ‘primary care services.’ KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here