Home HOME BANNER STORY Kampo ni VP Sara tutugon sa impeachment court

Kampo ni VP Sara tutugon sa impeachment court

48
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng legal team ni Vice President Sara Duterte na susunod sila sa summons ng impeachment court at maghahain ng kaukulang sagot, matapos pormal na mag-convene ang Senado nitong Lunes bilang impeachment court para sa kanyang paglilitis.

Sa pahayag ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng legal team ng Bise Presidente, kinikilala nila ang hakbang ng Senado at ang nakatakdang pagpapalabas ng summons.

“We note that the Senate has convened as an Impeachment Court and that summons will be issued in due course,” pahayag ni Poa.

“We will comply and we will file the appropriate response in accordance with the Constitution and applicable rules,” dagdag niya, kasabay ng pagsabing hindi na sila magbibigay ng karagdagang pahayag “out of respect for the process.”

Ang Senado ay pormal na nagtipon bilang impeachment court upang dinggin ang kaso laban kay Duterte kaugnay ng alegasyon ng culpable violation of the 1987 Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust.

Ayon sa impeachment rules, inaatasan si Duterte na magsumite ng sagot sa loob ng hindi na maaaring palawigin na sampung araw mula sa pagtanggap ng summons. Kailangan din siyang humarap sa Senado kapag ipinatawag.

Ang prosekusyon ay maaaring maghain ng reply sa loob ng limang araw matapos matanggap ang sagot.

Nauna nang iginiit ng legal team ni Duterte na handa silang ipagtanggol ang Bise Presidente sa impeachment court, at binigyang-diin na nasa mga nag-aakusa ang bigat ng patunay. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here