Home NATIONWIDE OSAA personnel, sumailalim sa imbestigasyon ng PNP-CIDG kaugnay ng Senate shooting

OSAA personnel, sumailalim sa imbestigasyon ng PNP-CIDG kaugnay ng Senate shooting

50
0

MANILA, Philippines – Humarap nitong Martes ng umaga sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang ilang personnel ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) kaugnay ng imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Senado noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ito ng PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño batay sa impormasyon mula kay CIDG National Capital Region (NCR) chief Col. John Guiagui.

Ayon sa ulat, sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa isang livestream sa pagtatapos ng sesyon ng Senado na may mga elemento umano ng PNP-CIDG at National Bureau of Investigation (NBI) na aaresto sa kanya.

Bumalik si Dela Rosa sa Senado noong Mayo 11 matapos mawala sa publiko dahil sa mga ulat ng posibleng arrest order mula sa International Criminal Court (ICC). Ang naturang arrest order ay kaugnay ng kasong crimes against humanity laban sa kanya bilang itinuturing na “co-perpetrator” sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa gitna ng mga espekulasyon ng pag-aresto, iniulat na may nakita umanong dalawang indibidwal na pinaniniwalaang NBI agents na may dalang long firearms, ayon sa incident report ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ipinadala kay Senate President Alan Peter Cayetano.

Ayon pa sa ulat, nang tumanggi umano ang mga sinasabing NBI agents na ibaba ang kanilang mga baril, nagpaputok ng “warning shot” si Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca. Sunod-sunod na putok din ang narinig sa insidente.

Iniulat na umabot sa 27 putok mula sa panig ng security personnel ng Senado, habang lima naman mula sa mga sinasabing NBI agents, ayon kay Cayetano.

Mariin namang itinanggi ni NBI Director Melvin Matibag na nagpadala sila ng agents sa Senado noong gabing iyon, at sinabing sa Government Service Insurance System (GSIS) sila nakatalaga para sa security operations. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here