Home METRO 2 senior utas sa araro ng 10-wheeler truck sa Quezon

2 senior utas sa araro ng 10-wheeler truck sa Quezon

59
0

MANILA, Philippines – Dalawang senior citizens na magkasama sa buhay ang nasawi matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang kanilang bahay sa Marilaque Highway sa Purok Antipolo, Barangay Gumian, Infanta, Quezon.

Ayon kay Maj. Fernando Credo, hepe ng Infanta Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang 5:45 a.m. noong Lunes.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang 32-anyos na driver ng truck na kinilalang “Jerson” ay umano’y nakatulog habang nagmamaneho. Una nitong binangga ang roadside barrier bago bumagsak pababa at tumama sa bahay ng mga biktima na nasa ibaba ng highway.

Ayon sa mga awtoridad, nagmula sa Bulacan ang truck na may kargang 200 sako ng animal feed na ihahatid sana sa Burdeos sa Polillo Group of Islands.

Agad na inaresto ang driver matapos ang insidente ngunit inaasahang palalayain matapos magsumite ng affidavit ang pamilya ng mga biktima na nagsasabing hindi na sila maghahain ng kaso at tinanggap ang kasunduang inaalok ng may-ari ng truck. Mary Anne Sapico/ Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here