Home LIFESTYLE HEALTH Updated protocols vs Ebola, ilalabas ng DOH

Updated protocols vs Ebola, ilalabas ng DOH

89
0

MANILA, Philippines – Maglalabas ang Department of Health (DOH) ng updated protocols laban sa Ebola sa loob ng linggong ito kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) ng Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) kaugnay ng pagkalat ng Ebola disease na dulot ng Bundibugyo virus.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang bagong guidelines ay nakabatay sa mga protokol na unang inilabas noong 2014 matapos ang Ebola outbreak na dulot ng Orthoebolavirus zairense na nagbunsod din ng global health emergency.

Ang pinakabagong alerto ng WHO ay kasunod ng mga kumpirmadong kaso sa Democratic Republic of Congo at Uganda sa Central Africa.

Ayon kay Herbosa, paiigtingin ng DOH ang surveillance, lalo na sa mga pasaherong magmumula sa mga apektadong lugar.

“Those that come from the Democratic Republic of Congo and Uganda. Meron lang sites, merong cities, hindi buong country. Mas ise-screen siya ng quarantine. Siguro i-interrogate sila kung may symptoms sila, papa-fill out din sila ng e-travel na may questions on illness. Pag na-flag, our quarantine will quarantine them,” aniya.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, naipapasa ang Ebola sa pamamagitan ng direktang contact sa mga bodily fluids gaya ng dugo, laway, pawis, suka, at iba pang likido ng katawan, at may mortality rate na umaabot sa 80 hanggang 90 porsyento.

Binigyang-diin ni Herbosa na dapat mag-ingat nang husto ang mga health worker sa paghawak ng posibleng kaso, ngunit tiniyak niyang walang dapat ikabahala sa ngayon dahil nananatili ang kaso sa dalawang bansa lamang sa Africa.

“Binabantayan lang natin, wala pa tayong problem. So, no need to worry again about this. It’s a warning that is normally given by WHO when they have an outbreak like this,” aniya.

Ang PHEIC declaration ng WHO ang pinakamataas nitong alert level na layong paghandain ang mga bansa at palakasin ang koordinasyon upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Hindi ito nangangahulugan ng pandaigdigang pandemya.

Ang huling PHEIC ay idineklara noong 2022 para sa mpox at noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here