Home HOME BANNER STORY Mendoza kampeon sa Mixed Open Senior Masters ng MTBA Open

Mendoza kampeon sa Mixed Open Senior Masters ng MTBA Open

115
0
CHAMPION - Pinagunahan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers' Association (MTBA) President Benny Antiporda , MTBA officers Thoby Antiporda, Johnny Lugay at iba pang opisyal ang pagbibigay ng awards sa mga nagwagi sa Mixed Open Senior Masters division ng 58th MTBA Open na ginanap sa Playdium, Quezon City. Binigyang parangal bilang kampeon si John Mendoza , Sammy Sy (1st runner up), Biboy Rivera (2nd runner up), Vener Reasonda (4th runner up), Francis Manalaysay (5th place), Tyrone Ongpauco (6th place), Mary Ann Yu (7th place) at Benshir Layoso (8th place).

MANILA, Philippines – Inangkin ni John Mendoza ang kampeonato sa katatapos na Mixed Open Senior Masters ng 58th MTBA Open Tenpin Bowling Championships na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Umiskor si Mendoza mula sa PSB ng 1,181 points para makopo ang korona sa mixed open senior masters division at maiuwi ang tumataginting na P60,000 cash prize at napakagandang trophy.

Ang 58th MTBA Open ay suportado ng Philippine Sports Commission, Remate Dyario ng Masa, Congressman Arjo Atayde, Lion’s Bowling Club, Viking, Vafiant Bowling Club, PDF, U&I Bowling Club, SLETBA We Are Family, CHARIS ZAIDE & JAMES TONGOL, Bowl Shower, UBL, Greenfield, Manila Tenpin Bowler’s Association, Bowlkadas, Philippines Senior Bowling Association, Robust, Friends in Bowling at JM Realty and Lending Corporation.

Pinarangalan naman bilang 1st runner up si Sammy Sy ng PSB-Hendrich matapos makalikom ng 1,764 points na may premyong P30,000 cash.

Maganda ang naging labanan nina Mendoza at Sy subalit sa bandang huli nanaig ang una upang hiranging hari ng mixed open senior masters division.

Nagwagi bilang 2nd runner up si Biboy Rivera ng TBAM matapos umiskor 1,745 para makuha ang premyong P15,000 at napakagandang trophy.

Naiuwi naman ni Vener Reasonda (PTBA-Henrich) ang 4th runner crown sa umiskor ng 1,737 points at maiuwi ang premyong P8,000.

Wagi rin sina Francis Manalaysay, Tyrone Ongpauco, Mary Ann Yu at Benshir Layoso bilang 5th, 6th, 7th, at 8th runners up, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tumanggap si Manalaysay ng P5,000 cash prize habang ang natitirang tatlo ay may tig-P4,000.

Muling nagpasalamat si Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers’ Association (MTBA) President Benny Antiporda sa mga lumahok sa prestihiyosong event lalong lalo na ang mga sponsors na walang sawang sumusuporta sa bawat event ng MTBA.

Kumpiyansa si Antiporda na mas lalong darami ang teams na lalahok sa susunod na edisyon ng palaro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here