Home METRO Kagawad na bigtime tulak timbog sa OrMin

Kagawad na bigtime tulak timbog sa OrMin

47
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay councilor na itinuturing na high-value individual sa isinagawang buy-bust operation sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, ang suspek na isang barangay councilor mula sa San Teodoro ay naaresto sa Sitio Duluhan, Barangay Calsapa matapos umanong bentahan ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o “shabu” ang isang undercover operative.

“An undercover operative was able to purchase suspected methamphetamine hydrochloride, locally known as ‘shabu,’ from the suspect, leading to his arrest,” ayon kay MIMAROPA police chief Brig. Gen. Christopher Dela Cruz.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 3.50 gramo ng hinihinalang ilegal na droga na may tinatayang halagang P23,800.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here