Home TOP STORIES Mandaya-Manobo tribe nagsampa ng kaso vs NCIP official sa sinasabing katiwalian

Mandaya-Manobo tribe nagsampa ng kaso vs NCIP official sa sinasabing katiwalian

46
0

Nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang mga miyembro ng Indigenous Mandaya-Manobo tribe ng Davao Oriental laban kay Atty. Generoso Aguio, CESO III, Director IV ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), kaugnay ng umano’y korapsyon.

Ayon sa tribo, hindi pa nila natatanggap ang tinatayang P19 milyon na royalty mula sa pagmimina, at iginiit nilang si Aguio ay umano’y umaagaw ng kontrol sa kanilang Indigenous Peoples (IP) organization at pinapalitan ito ng mga taong mas pinapaboran umano nito.

Giit pa ng grupo, patuloy silang naaantala sa pagtanggap ng kanilang royalty shares mula sa pagmimina sa kanilang ancestral domain. Danny Querubin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here