ZAMBOANGA SIBUGAY — Patay ang isang barangay councilor matapos barilin sa Barangay San Jose, bayan ng Imelda, nitong Lunes ng umaga, Mayo 25.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edison Magdamit, konsehal ng Barangay Gandiangan, Imelda.
Ayon sa mga awtoridad, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo sa kahabaan ng highway nang lapitan siya ng isa pang motorsiklo na sakay ang dalawang lalaki. Bumunot ng baril ang back rider at pinaputukan ang biktima.
Agad na nasawi si Magdamit sa pinangyarihan ng insidente, habang tumakas naman ang mga suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at isinasagawa ang manhunt operation laban sa mga salarin. Mary Anne Sapico