Home OPINION SOTTO, LACSON KINUMPIRMANG MAY CHA-CHA

SOTTO, LACSON KINUMPIRMANG MAY CHA-CHA

67
0

SA balitaktakan kamakalawa ng mga senador sa loob ng Senado, kumpirmadong may pag-uusap at mga hakbang para sa pag-amyenda o pagbabago sa Konstitusyong 1987 o Charter change o Cha-cha gaya ng ipinahahayag ni Senator Manang Imee Marcos.

Lumitaw sa balitaktakan na naging kasama sa pag-uusap sina Speaker Bojie Dy, dating Senate President Tito Sotto, Sen. Ping Lacson, nag-resign na Senate Secretary na si Mark Llandro “Dong” Latorre Mendoza at ilang kongresman sa Solaire Casino Hotel.

Pahayag ni Lacson, aksidenteng nagawi lang sa grupo nina Dy at Sotto nang mapadaan siya habang patungo siya sa hiwalay na miting ng isang grupo.

Pero kabilang sa mga pinakamahalaga, nadatnan ni Lacson, na inamin mismo naman ni Sotto, na may diskusyon sa pagbabago sa Konstitusyon at dala-dala umano ito ni Dy at mga kongresman.

Isa pang pinakamahalaga, isinusulong ang term extension na tatlong taon ng lahat ng kongresman at senador at masasama na sa grasyang ito si Pangulong Bongbong Marcos at wala nang halalang 2028.

Hindi na mahalaga kung may ilang maling impormasyong si Manang Imee gaya ng pagtataas sa edad ng kandidatong pam-Pangulo na dahilan para madiskwalipika si Vice President Sara Duterte sa halalang presidensyal sa 2028.

Hindi rin mahalaga kung natanong o hindi ni Manang Imee si Sotto kung pumayag siya o hindi.

Hindi rin mahalaga kung pumayag si Mang Imee na i-erase ang video ukol sa usapang Cha-Cha at nilalaman nito.

At sa huli, pinakamahalaga ring pumosisyon ang halos lahat, kundi man lahat, ang mga senador na ayaw sa Cha-cha, kaysa pamamagitan man ng Constituent Assembly o People’s Initiative.

Pero sino kaya ang nagtutulak ng Cha-cha at totoo naman kaya na isa itong dahilan kung bakit landslide ang bumoto sa impeachment laban kay VP Sara para manatili sa pwesto ang mga korap?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here